Ako si Jomar Comia Escobido. Ipinanganak noong ika-2 ng Marso taon 1995. Ang mga magulang ay sina Restituto Lantican Escobido Jr. at Marlyn Comia Escobido. May kapatid na nagngangalang Jeremy Comia Escobido. Ang komposisyong ito ay magsasalaysay ng aking buhay mula pagkasilang hanggang sa kasalukuyan.
Ang litrato sa taas, ayon kay papa hindi pa daw ako masyadong nakakalakad kaya inaalalayan ako dahil nagpipilit daw akong lumakad.
Ang sumunod na larawan ay ang aking 1st Birthday kasama ko diyan ang aking Tita Loida. Bago daw kunan yang picture na yan naiyak daw ako. Dahil daw sa lobo. Madami daw akong handa noon, dahil nga sa ang papa ko ay pastor yung mga member ng church ay nag-ambag para daw sa aking unang kaarawan. Halos litson na nga lang daw ang kulang. Dahil talagang iba’t ibang pagkain ang naihanda. At yung cake ko daw ay bigay ng Ninong Rodel ko.
Ang sumunod naman na litrato ay kuha noong may outing ang church namen. Dahil nga sa water Baptism ng bagong miyembro ng aming kapulungan. Kasama ko sa litrato ang aking kapatid (kanan) at ang aking pinsan na si Aldrin (yung yapos ko).
Ito naman yong kuha noong nagkaroon ng valentines celebration sa aming simbahan. Katabi ko diyan sa picture ang anak ng ka churchmate namen. Hindi ko na nga lang tanda yung pangalan.
Bilang parte ng pamilyang may pananalig sa Diyos ako ay naging aktibo din sa mga gawaing pangsimbahan. At ito nga yung kuha noong malapit na ang pasko. Dahil isinasadula namin ang pagsilang ng ating tagapagligtas na si Jesus. Ako ay gumanap bilang si Jospeh ang ama ni Jesus.
At eto naman, parte ng pagiging aktibo ko sa simbahan ay umaawit din ako dati, dati lang dahil ngayon hirap na yung boses ko sa pag kanta. Natugtog na lang ako ng gitara o kaya ay keyboard. Ang picture ay kuha noong 2nd anniversary ng aming church. Special number ako diyan.
At siyempre hindi rin naman puro simabahan ang buhay namen. Nakikisalimuha din naman kame. Ito nga yung kasal ng Tito Christian namen. Napangasawa niya si Ate Rachel. At yung nasa picture nga ay reception sa Arago. Kasama ko diyan sina mama, papa at yung hindi ko alam ang pangalan na batang babae. Pero ang alam ko kamag-anak din namen siya.
Isa pa ay ang pag-abay ko sa kasal. Bihira ang hindi nakakaabay sa kasal habang bata pa. Kahit isa ng beses lang. Dito sa picture na to hindi ko lang alam kung sino ang ikinasal. Pero ang tanda ko lang ay yung kapartner ko dito. At yun ay ang anak ng kapwa pastor ni papa. Hindi ko lang din tanda ang pangalan. Itong kuhang ito ay sa Open Door Baptist Church o mas kilala ngayon na Open Door Christian Academy.
Kung papansinin ninyo halos ng kabataan ko ay maikli ang buhok ko. Kaya ngayong medyo lumaki na ako. Yung buhok ko nag iba din kahit papaano. At kung papansinin ninyo yung height ko medyo maliit ako noon. Kahit yung boses ko maliit din. Pag nga may makakkita saken ngayon na dati pa akong kilala ay naggugulat sapgkat ibang iba na ang boses ko ngayon.
At eto naman grade six o grade five na ako diyan. Napagtripan lang na magpicture. Hehehehe. Naaalala ko noong grade five sa unang pagkakataon nakasama ako sa top ten sa aming classroom. At ako nga ang 1st honor sa klase. Paborito ko noon ang subject na science at hate ko naman ang math. Napakahirap naman kase. At noong grade five din ako unang nagkaroon ng crush. At ang pangalan Patricia. Dito rin ako unang nagkaroon ng babaeng bestfriend at siya na nga yun.
Tapos grade six, paborito ko pa rin ang science ayaw pa rin sa math. At noon nga, sa pagkahilig ko sa science minsan pag may tinetrain si Sir Quilla ako muna ang pinaglelecture ni sir sa mga handle niyang section, yun na nga ang Pilot B, Pilot A at FL. Nga pala sa San Pablo Elementary School ako nag elementary. Natatandaan ko pa nga ay nag shooting kame dati noon ng First day high para sa aming english project. Enjoy ako dun. At nung time ngang yun. Dun din nagsimula ang isang pagkakaibigan na natuloy sa aking first girlfriend si Carol. Tumagal ng 1 ½ year, tapos di ko rin kinaya. Mahirap din palang panindigan. Bata pa talaga ako.
At eto graduation, nakatapos ng elementarya.
At eto na ako ngayon. Nag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Mem. National High School. Nasa science section ako. Mahirap ang pressure ng science section pero masaya. Dito ko nakilala yung mga kaibigan ko sa kalokohan at katuwaan. Dito ko natutunan ang iba’t ibang computer games na kinahuhumalingan o ngayon, Cabal, SF, Bandmaster at marami pang iba.
Isa talaga sa hindi ko malilimutan ay ang paglaban namen sa Regional School Press Conference. Kasama ako sa radio broadcasting team. At nag first kame kaya nga lalaban kame ngayong April sa Butuan City. Nakakakaba kahit papano, pero masaya dahil nadagdagan naman ang aking mga kaibigan. Mga kaibigan mula sa iba’t ibang school, andyan ang Canossa, MSC, City High, St. Joseph at Liceo. Sa RSPC ko din nakilala ang aking special someone na itatago ko na lng sa tawag na “POSH.”
At parte ng high school ang JS prom. At siyempre hindi ko yun pinalampas, at sa totoo nga nito isa ako sa mg MC ng gabing iyon. Mahirap talaga, aminado ako sa sarili ko. Pero siyempre napagtatagumpayan naman.
At ang pinaka huli nga naming ginawa sa school ay ang Eco tour. Para yun sa paggawa ng aming Research paper. Isa sa masayang pangyayari noon ay noong umakyat kame sa Art Center napakahirap dahil sa napakatarik noon. At sa daan may makikita kang kung anu-ano tulad ng papuntang langit. Grabe 3.5 kilometers din yun. Pero pagdating sa taas. Sulit sa ganda ng view. Picture time kameng mga boys noon. Kasi kame ang lageng nauuna. Namamahinga kame nag dumating ang mga babae. At pabalik mas madali ng kaunti pero mahirap pa din. Sa daan nga may nakasalubong pa kameng babae na nakaputi akala namen multo kaya kame ay nakahandang tumakbo kung sakali. Pero hindi eh.
ITUTULOY...