“Minsan may mga bagay tayo na hindi na natin pinapahalagahan dahil sa anyo nito.”
“O, ayan bagong reformat nanaman ang mga computer naten, malilinis na uli sila,” ang wika ni Ginoong Lacsam. Papalabas na siya ng computer room ng may napansin siya. “Teka luma na itong mouse na ito ah. Mapalitan na nga ito ng bago. ” Pinalitan nga ni Ginoong Lacsam ang mouse na iyon. At ang lumang mouse ay ipinatong niya sa taas ng drawer na malapit sa pintuan. Pagkalabas ni Ginoong Lacsam...
“Woohoo! Yehey!” ang sigawan ng mga Cpu, Monitor, keyboard at ang mga magaganda at bagong mouse. “Hindi na uli ako paloko-loko hahaha! “ sabi ni CPU Juan. “ Eh loko-loko ka pa rin naman kahit nareformat ka na! “ ang sabi ni Kiboda na sinundan nang tawanan ng lahat.
Nagkakatuwaan ang lahat maliban kay Mico dahil sa nahihiya siyang makisali sa tawanan nila. Siya lang kasi ang nakahiwalay sa kanila at walang kasama. Subalit naglakas loob siyang lapitan sila at makisali sa tawanan nila.
“Hello” ang wika ni Mico kay Monita. “ Hi...” hindi pa natatapos ang salitang sasabihin ay naudlot nang makita ni Monita na si Mico ito. “Yuck! Si kadiring, sira-sira na pwedeng pwedeng kasama ni CPU Sickten. “ Napatinging ang lahat. At nagtawanan “ Hahaha! Buti pa nga itong si CPU Sickten napapakinabangan kahit papano, eh ikaw! Wala kang kwenta! Wala kang silbe! Umalis ka dito dun ka sa basurahan! “ ang sabi ni Morquito na katabi ni CPU Sickten. Nasaktan ng lubusan si Mico sa sinabi ni Morquito sinabi niya sa sarili tama si Morquito kaya sa isang sulok na lmang siya nagmukmok. Samantalang ang karamihan ay nagkakatuwaan.
Nasa kalagitnaan sila ng kwentong kayabangan ni Morquito ng biglang umubo si ng malakas si CPU Sickten. Naglikha ito ng apoy at tiyak na maabot nito si Morquito pag nagtagal pa ang apoy at masusunog silang lahat. “ Ahhh! Tulungan ninyo ako ayaw kong malitson! ” ang sigaw ni Morquito. Subalit wala namang makatulong kay Morquito dahil lahat sila ay nakafixed maliban kay Mico. “ Mico tulungan mo ako pakiusap, ayaw kong malitson dito, pakiusap.” Ang sambit ni Morquito kay Mico.
Sa sinabing ito ni Morquito naalala niya ang sarili nang nagmamakaawa siyang isali sa kanilang kasiyahan. At imbis na isali ay kinutya pa siya. Subalit isang pikit-mulat ay agad siyang tumakbo sa tapat ng pintuan at ubod lakas niyang binuksan ang pintuan. Dahil doon nakalabas ang usok at amoy ng sunog na meron sa loob ng computer at ito ay naagapan nina Ginoong Lacsam.
Matapos masiguro ni Ginoong Lacsam na ayos na ang lahat ay naglabas siya ng bagong CPU kapalit ni CPU Sickten at ito ay latest model. Subalit nasunog din pala ang mouse kasama ni CPU Sickten. Naalala niya ang mouse na ipinatong niya sa may drawer at sinubukan kung puwede pa. At nang matapos subukan, “ Aba, puwede pa pala ito. Maganda pang gamitin hindi lang nalilinis. “ ang wika ni Ginoong Lacsam. Pagkalabas niya...
Tahimik ang lahat, si Morquito ang bumasag ng katahimikan “ Mico, salamat sa pagliligtas mo samen kanina. Kung wala ka siguro wala na din kame lalo na ako nalitson na sigurado ako. Pati patawad sa mga nasabi ko sayo. “ “Wala iyon,” ang sagot ni Mico na may ngiti. At nagkatuwaan ang lahat kasama si Mico.
No comments:
Post a Comment